Natusta nang buhay ang tatlong mag-iina matapos ma-trap mula sa nasusunog na bahay sa Barangay Labangal, General Santos City kahapon.
Sa report ni FO3 Macacuna Tumambiling, ng Bureau of Fire Protection GenSan, bandang alas-12:30 ng hatinggabi habang mahimbing na natutulog si Jovelyn Gamis, sa bahay nito sa Purok 1 Labangal, General Santos City kasama ang dalawang anak na sina Earl Cagas, 5, at Shaun Anthony Cagas, 3, nang biglang magising dahil sa sunog.
Sa taranta dahil kalat na ang apoy ay pumasok ito sa banyo at naiwan sa kuwarto ang dalawang anak sa pag-aakalang makakaligtas subalit nilamon pa rin silang lahat ng apoy na tumagal nang halos dalawang oras.
Napag-alaman na ang asawa ng biktima ay nakakulong sa ‘di na binanggit na kaso.