3 Manileño timbog sa anti-criminality campaign

Arestado ang tatlo katao sa magkahiwalay na anti-criminality campaign ng Manila Police District (MPD).

Unang nadakip ang dalawang lalaki sa buy-bust operation ng MPD Station 5, Station Drug Enforcement Team sa Block 9 Extension, Baseco Compound.

Kinilala ito ni Police Chief Ins­pector Salvador Tangdol na sina Midtimbang Mahrof, 24, ng Baseco; at Yasser Omar, 26, ng Quiapo.
Narekober sa dalawa ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Nakapiit ngayon ang dalawa sa Ermita Police Station 5.

Samantala, arestado naman ang isang Teejay dela Cruz, 23, matapos maaktuhan ng mga nagpapatrol­yang pulis habang hawak-hawak ang isang glass tube na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Partikular na nadakip ang suspek ng operatiba ng Hermosa Police Community Precinct sa bahagi ng Pilar St., Tondo.

Kasong paglabag naman sa RA 9165 ang kakaharapin ng suspek na nakakulong na rin sa himpilan ng Hermosa PCP.