Aabot sa P34.2 milyong halaga ng fully-grown marijuana plants ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pagsalakay sa mga taniman nito sa lalawigan ng Kalinga.
Ayon sa report, tatlong taniman ng marijuana na may land area na 16,100 square meters ang sinalakay ng mga ahente ng PDEA sa Kasablutan, Loccong at Tinglayan nitong Hulyo 29 hanggang 31.
Sinabi ni PDEA Director General Isidro Lapena na nagresulta ito sa pagkawasak ng 171,500 fully-grown marijuana plants.
Subalit wala umanong naaresto na mga taong responsable sa pagtatanim ng marijuana at hindi rin matukoy kung sino ang may ari ng mga naturang taniman.