3 milyong face mask ng ‘Pinas dumating sa China

Lumapag ngayong Linggo sa Wuhan, China ang nasa 3.16 milyong face mask na mula umano sa Maynila, upang pigilan ang dumadaming kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa lugar.

Sa ulat ng Global Times, sinabing nabili ng Hubei government ang mga mask sa pamamagitan ng mga import company.

Kasalukuyang nasa 56 na ang death toll ng na­sabing virus sa China hanggang kahapon, Ene­ro 26, habang higit 2,000 katao na ang tinamaan at 237 dito ang nasa kritikal na kondisyon, ayon sa state media ng China.

Nainis naman ang ilang netizen gayong dalawang linggo lang ang nakalipas, nangailangan din ng face mask ang mga Pinoy nang maglabas ng matinding ashfall ang nag-aalburutong Bulkang Taal.

Nagkaubusan at nagtaasan anila ang presyo ng mga N95 at surgical face mask sa ilang lugar sa bansa. (SDC)