Tagumpay ang operasyon ng PNP-Special Action Force (SAF) katuwang ang Philippine Army (PA) sa Upper Sitio Lebe, Barangay Daliao, Maasim, Sarangani kung saan na-neutralize ang tatlong miyembro ng Ansar Al-Khilafah Philippines.

Noong Sabado, narekober sa mga suspek ang isang unit ng carbine rifle, tig-iisang unit ng m79, rifle scope, watawat ng ISIS at isang empty shell ng 203.

Ang joint operation ay sinimulan sa lugar ng PNP-SAF, Sarangani Police Public Safety Company, Sarangani Provincial Police Office, Regional Public Safety Battalion, 27th Infantry Battalion ng PA at Light Reaction Company PA para tugisin ang nasabing rebeldeng grupo na pinangunguna­han ni Mohammad Jaafar Maguid at alyas ‘Tokboy’.

Arestado sa bahay ng isang Kupang Sahak si Mustapha Gansing at narekober sa kanya ang isang Uzi machine pistol na may magazine, isang dokumento na naglalaman ng improvised explosive device diagram lectures, isang t-shirt na may ISIS logo, IED components at isang set ng camouflage.