3 Muslim, buking sa P.8M shabu

Tatlong Muslim ang dinakma ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 10 sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Nasamsam ang may 120 gramo ng shabu na may street value na P828,000.00 sa mga suspek na sina Abdulkarim Shim y Dagendat, 23, ng 850- A- 5, P. Noval St., Sampaloc ; Balnora Mandale It y Dagloc, 26 at Bin Abdel Aziz Damil y Haron, 33, ng 636-A Mendoza St., Sampaloc.

Nabatid kay P Lt. Col. Rolando Bumagat, Station Commander ng MPD- Pandacan Police Station 10, na alas-6:00 ng gabi nitong Mayo 19 nang isagawa ang buy-bust sa kahabaan ng P. Noval sa harap ng bahay ng target na suspek.

Nagsagawa muna ng test buy ang pulis na nagpanggap na poseur buyer at nang makumpirma na sa bahay ni Shim nanggagaling ang shabu ay dito na isinagawa ang operasyon.

Nasamsam sa loob ng bahay ng mga suspek ang 3 bulto ng shabu na nakasilid sa kulay puting plastic sachet , 5 katamtamang laki ng plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na aabot sa 120 gramo na nakalagay sa isang sling bag.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutor Office. (Juliet de Loza-Cudia)