3 nawawalang trak ng ‘Empi’ narekober na

Narekober na ng pinagsanib na puwer­sa ng Albay PNP at Quezon Police ang nawawalang tatlong 10-wheeler truck na kargado ng Emperador brandy na nagkakahalagang P4.5 milyon na umano’y na-hijack ng isang trucking­ service sa pantalan ng bayan ng Bacacay at Pio Duran, Albay.

Ayon kay Police Capt. Dexter Panga­niban, Albay Provincial Police Office (APPO), nakilala ang naarestong truck driver na sina Nelson Chavez, 44, at Dante Canaveral, 35, truck helper.

Nabawi ng pulisya ang isang 10-wheeler truck sa bayan ng Bacacay habang dalawang trak ng alak naman sa bayan ng Pio Duran na may lamang 1,500 kahon ng Emperador Double Lights Brandy na nakatakdang i-deliver sa Albay, Catanduanes at Masbate ngunit nasabat sa pantalan ng Bacacay at Pio Duran.

Ito ay matapos magbigay ng tip ang isang Robert Chu, 51, ng Bolivar Trucking, na agad namang nirespondehan ng mga awtoridad. (Vick Aquino)