3 NPA sumuko, 14 armas sinurender

Sumuko ang tatlong New People’s Army (NPA) sa militar at sinuko ang 14 na matataas na armas, ayon sa 502 Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army (PA) Cagayan.

Ayon kay 502nd IB commander Brig. Gen. Laurence Mina, sinuko ng mga rebelde ang mga armas na kinabibilangan ng M-16 sub machine gun, isang M-14 armalite rifle, at 12 M-16 armalite rifle na mula sa mga sumukong regular na miyembro ng NPA at 6 na militia ng bayan.

Sinabi ni Mina, ilan lamang sa mga rebeldeng nagsuko ng mga matataas na baril at pampasabog ay sina Ramil Echore alyas Papi, miyembro ng Sub-Guerilla Central Front Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley na mula sa Dibuluan, San Marinao, Isabela; alyas ‘Daryl’, dating platoon leader at squad leader ng central front na mula sa lalawigan ng Samar at si alyas ‘Likot’, dating Squad Leader at platoon leader na mula sa Davao.

Ayon sa mga militia, si Daryl ay kabilang sa unang grupo ng NPA na mula sa Visayas bilang augmentation ng Northern Front noong taong 2017 at si Alyas Likot ay pinadala rin ng Central Front bilang augmentation noong taong 2017.

Maliban sa mga baril ay narekober ang mga sari-saring uri ng pampasabog at mga kagamitan sa paggawa ng bomba o Improvised Explosive Device.
(Allan Bergonia)