3 NPA tepok sa Pangasinan encounter

SAN NICOLAS, Pangasinan — Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na napatay sa naganap na sagupaan laban sa tropa ng gobyerno sa bayang ito.

Ayon kay P/Chief Insp. Norman Florentino, pinuno ng Police Community Relations Office ng Pangasinan Police Provincial Office na iniim­bestigahan pa rin ngayon ang identity ng labi ng mga nasawing miyembro ng NPA ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Posible umanong galing ang mga ito sa ­Nueva Ecija base na rin sa natatanggap na intelligence report mula sa iba pang law enforcement agency tulad ng Philippine Army.

Kamakalawa ay nagkaroon ng combat ­clearing operation ang mga awtoridad matapos makatanggap ng report na nakakitaan umano ng presensya ng mga armadong grupo ang nasabing lugar partikular na sa ilang bahagi ng Barangay Malico at Sta. Maria.