3 O’CLOCK HABIT

ACTRESS, hinihimatay pagsapit nang alas tres nang madaling-araw.

Taray ni ate, may oras talaga!

Witching Hour ba ito?!

Maalindog si aktres. Yayamanin. Kumakanta na, sumasayaw pa ang ­aktres na may anak na.

Biglaan ang paglitaw ni actress sa showbiz, pero matagal-tagal din ang paghihintay niya bago siya nagbida sa programa sa television.

May ibubuga pala siya sa akting kaya nabigyan na rin siya ng pelikula.

Na-lost in space si ate dahil nabuntis siya ng ­lalaking biglang naglaho na parang bula.

At nang manganak, isang buwan pa lang ay balik-trabaho na siya agad.

Ayon sa pamilya niya at mga kaibigan, kahit hindi siya magtrabaho, OK lang.

Mayaman si mama at si papa. Kaya silang buhayin dahil nakakariwasa sila.

Pero sinuway niya ang kanyang parents. Gusto niya talagang mag-artista at umarteng ala Julia Roberts.

Taray!

At siya ay nakabalik sa showbiz­landia. Isa agad ­madramang serye ang naibigay sa kanya.

Kinarir niya talaga at nag-hire siya ng acting coach para mas matutukan ang ­galing niya sa pag-arte.

‘Yun lang, mabilis siyang antukin.

Alam niya noon pa na ina­abot nang ma­daling-araw ang mga taping sa TV, lalo na sa teleserye.

Noong una, OK sa kanya. Pero nang tumagal na ang ­taping, nahihilo na siya at nahihimatay.

Kaya na-stress ang buong staff sa kanya. Dahil pag 3:00 AM na, jijimatayin na siya.

Madalas na sumasakto nang 3:00 AM ang himatay moment ng kanyang kata­wang lupa.

Noong una, awang-­awa ang production staff sa himatay moment niya pagsapit nang 4:00 AM.

Later on, nagduda ang staff.

Hindi kaya gawa-gawa lang ‘yun ni actress para makauwi na?

Under investigation si actress kung trulili o hindi ang drama ng body clock niya tuwing sasapit ang alas-tres nang madaling-araw.