May rebanse pang special meeting ang PBA Board of Governors sa Lunes, June 5, matapos na walang makongkreto sa regular meeting kamakalawa hinggil sa magiging schedule sa season-ending Governors Cup at sa papel ng liga sa Gilas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Ayon kahapon kay PBA Commissioner Chito Narvasa, nakahatag na ang plano ng pro league sa pagtama ng shedule ng national team sa tatlong international competitions — William Jones Cup (July 14-24) sa Taipei, Taiwan, Southeast Asian Games (Aug. 19-31) sa Malaysia, at FIBA Asia Cup (Aug. 10-20) sa Lebanon.

“We gave them (PBA Board) already three options. One, kung tuluy-tuloy kami. Second, we will stop for a while, and the third is a shortened PBA schedule,” lahad ni Narvasa.

Hindi nagkaliwanagan ang Board sa miting nitong Huwebes dahil sa liban si Meralco governor Al Panlilio, siya ring pangulo ng SBP. Wala rin si TNT KaTropa governor Victorico Vargas na dumalo ng kasal ng kanyang anak sa Rome kasama si Texters assistant governor Patrick Gregorio at si PLDT & Smart Communication Chairman Manny V. Pangilinan.

“Ang hirap mag-diskusyon kasi wala si Mr. Panlilio, and we will not know his side. So everything was held in abeyance until we meet with him,” hirit ni Narvasa.

Kasama rin aniya sa tatalakayin ang pagkakaroon na ng GlobalPort ng apat na players sa Gilas hambing sa tig-iisa lang ng ibang teams matapos ang naganap na trade kung saan napasa­ma na sina Bradwyn Guinto at Jonathan Grey kina Terrence Romeo at  Von Pessumal sa Batang Pier.