CABANATUAN CITY — Tatlo ang nasawi at dalawa ang sugatan sa dalawang insidente ng pamamaril dito noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Ponciano Zafra, alas-9:00 ng gabi nangyari ang unang insidente sa tahanan ni Babylyn Obosa Cabling sa Purok Malinis 2, Brgy, Barrera.

Gamit ang maikling baril, pinagbabaril umano ng dating pulis na si Franklin Adriano Hizon, 33, residente ng Brgy, San Mariano, Sta Rosa, Nueva Ecija ang tatlong di pa nakilalang katao na ikinasawi ng dalawa.

Dinala sa Dr PJG Medical Research and Medical Center ang mga sugatan sa pamamaril, habang hinahanting pa si Hizon.

Dakong alas-12:00  ng hatinggabi naman naganap ang sumunod na pamanaril sa No. 01 Ramirez Ext., Brgy, Aduas Centro dito rin sa lungsod ng Cabanatuan.

Napatay ng di nakilalang riding-in-tandem ang isang Alyas Tony na residente ng Sta. Rosa, Nueva Ecija at nasugatan si Danilo Lionson Cuerda, 51, residente ng Brgy. Aduas.

Ayon sa pulisya, kasama sa drug watch list si Cuerda na kasalukuyang naka-confine sa isang pagamutan sa Cabanatuan City.