Tatlo umanong sangkot sa operasyon ng iligal na droga ang napatay matapos pagbabarilin sa magkakahiwalay na insidente sa Parañaque at Taguig City kamakalawa.

Sa report ng Southern Police District (SPD) kinilala ang nasawing si Elma Santos, 34, ng #6537 Tramo St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Lumitaw sa imbestigasyon na alas-tres ng hapon nang pagbabarilin ang biktima ng pusher na nakilala sa ‘alias Umlim’ matapos umanong magka-onsehan sa bentahan ng iligal na droga.

Si Charlie Amama, ng Opeña St., Baclaran, Parañaque ay nasawi rin sa Anti Illegal Drugs-Special Ope­ration Task Group (SAID-SOTG) kahapon matapos magpaputok nang matunugan ng mga pulis ang kanyang katransaksyon.

Sa Taguig City naman ay patay ang umano’y drug pusher na si Reil Dagayloan matapos na pagbabarilin  ng hindi pa nakikilalang suspek

dakong alas-dos ng madaling-araw sa Sitio  Maliwanag, Brgy. Western Bicutan ng naturang lungsod ng salarin na mabilis na tumakas at nag-iwan pa ng karatula sa biktima na may nakasulat na “huwag tularan, salot ako”.