3 patay sa Maguindanao fire

Patay ang tatlong miyembro ng pamilya makaraang masunog ang kanilang bahay sa Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Mianong Pagalad,­ Rahim Pagalad at Bai Rajima Pagalad, kapwa mga residente ng Barangay Bagundang, ­Salipada, Pindatun, Maguindanao.

Base sa ulat ng Pindatun police, bigla na lamang umanong nagliyab ang malaking apoy sa bahay ng mga biktima na natutulog nu’ng mga oras na ‘yon hanggang hindi na nagawang makalabas nang buhay.

Pinasisiyasat naman ng mga kaanak ng tatlong batang nasawi kung sinadyang sunugin ang bahay ng mga biktima dahil sa naamoy na gasolina bago pa nagsimula ang apoy.