Tatlong hindi pa nakikilalang mga drug personality ang naidagdag sa humahabang talaan ng mga napapaslang sa “war on drugs” ng kapulisan sa Nueva Ecja.

Sa mga ulat na nakarating kay P/Sr. Supt. Antonio Yarra, NE police director, dakong alas-3:40 ng madaling-araw kahapon nang magsagawa ng buy bust sa Brgy. San Pascual, Talavera kung saan napaslang ang mga pusher na may mga alyas ‘Dodong’ at ‘Lusaw’.

Sa bayan naman ng Aliaga ay napatay naman noong Sabado ng madaling-araw ang isa pang ‘di nakilalang drug suspect na tinatayang 5’6” ang taas, nasa edad 40-43 at nakunan ng isang caliber 45 pistol at anim na pirasong sachet ng shabu.