Posibleng maiuwi na ngayong Mayo 5 sa bansa ang bangkay ng tatlong Pilipinang binawian ng buhay sa nangyaring sunog sa Doha, Qatar noong nakalipas na buwan ng Marso.

Ang tatlong mga biktima ay taga-Ilocos Norte, Nueva Ecija at Davao.

Sa ulat, base na rin sa impormasyon ng isa sa agency ng mga nasawing Pilipina, hindi kaagad nakalabas sa 2nd floor ng tinutuyang bahay ang tatlong OFWs kung saan nangyari ang insidente noong Marso 19, 2020 ng madaling araw.

Lumitaw na sumiklab ang apoy sa naturang bahay bunsod na rin sa faulty electrical wiring.

Sinasabing natagalan ang pagresponde ng mga bumbero sa sunog at natagalan din ang pagpapauwi sa mga bangkay dahil sa umiiral na lockdown.