3 Pinoy bets papalo sa Osaka

Bubuksan ng tatlong Philippine bets ang kampanya sa JPY150-million 43rd Asia-Pacific Golf Championship ­Diamond Cup 2016 sa Ibaraki Country Club West Course sa Osaka City, Japan.

Susubukan nina Miguel Luis Tabuena­, Angelo Que at Juvic Pagun­san na masundan ang yapak ni Ben Arda na nagkampeon sa unang edisyon ng ­torneong ito sa edad na 44 noong 1973.

Fifty-third sa 59 entries sa nakarang buwang 31st Olympic Games sa Rio de Janeiro ang 21-year-old na si Tabuena­, habang umurong ang 37-anyos na si Que sa unang balik ng golf sa quadrennial games dahil sa takot sa Zika virus.

Ang 132-player, 4-day golf tournament sa Osaka ang 16th leg ng 44th Japan Golf Tour 2016.

Best finish ni Tabuena ang tie sa fourth place sa season-opening JPY120-M SMBC Singapore Open sa state city nu’ng February. Si Que ay ninth place sa fifth leg JPY120M The Crowns nu’ng May sa Aicihi, ­Japan, at si Pagunsan ay tabla sa sixth sa third leg JPY130M Token Homemate Cup sa Mie, Japan nung April.