Tatlong inmates na pawang mga may kinakaharap na kasong iligal na droga ang pumuga mula sa detention cell ng Trinidad Police Station sa Bohol.

Kinilala ni PO3 Geriper Cajes, ng Trinidad Police Station ang mga tumakas na sina Adelfo Cosino, Reynaldo Sayson at Jason Bayonas, na pawan­g mga nahaharap sa kasong illegal drugs.

Ayon kay Cajes, nakatakas ang mga suspek matapos lagariin ang iron grills ng selda.
Natuklasan lamang ang pagtakas kahapon ng alas-otso ng umaga.

Masusi nang pinaghahanap ang mga suspek.