Nakaligtas sa kamay ng kidnapper ang tatlong Grade 6 pupil matapos tangkaing dukutin sa pamamagitan ng pagpapasakay sa kanila sa isang puting van kahapon nang umaga sa Iriga City, Camarines Sur.

Batay sa nakalap na report, naglala­kad ang tatlong mag-aaral papasok sa kanilang paaralan nang may mapansin silang isang puting van at pagkatapos ay hinarang sila ng limang lalaki at pilit silang pinasasakay sa van para umano ihatid sa kanilang paaralan.

Sa takot ng tatlo ay agad na nagtatakbo at nakatakas sa kamay ng mga kidnaper.

Agad na isinumbong ng mga biktima ang pangyayari sa kanilang mga magulang na agad namang inireport sa barangay at pulisya upang mabalaan ang iba pang mag-aaral.

Kuwento pa ng mga biktima na may nakita silang batang nakahiga sa loob ng van kaya sa takot at agad silang nagsitakbo.