Nagpasalamat ang tatlong reelectionist senators sa patuloy na pagtitiwala sa kanila ng taumbayan na pinatunayan ng pagpasok pa rin nila sa Top 12 ng pinakahuling Social Weather Stations (SWS) senatorial survey.
Naniniwala si Senador Bam Aquino, na nasa ika-10 hanggang ika-12 na puwesto sa survey, na patuloy ang kanyang paglakas sa kabila ng paninira sa kanya.
“Salamat po sa mga kababayan natin para sa lumalakas na suporta sa kabila ng mga paninira sa akin,” saad ni Aquino.
“Maraming problema ang ating mga kababayan. Nakikita natin na marami tayong dapat gawin, ‘yan ang commitment natin sa kanila. Walang panahong mag-relax. Marami pang puwedeng mangyari, mabigat ang mga kalaban,” saad ni Senador Grace Poe.
“Magsisilbing inspirasyon po ito para lalo nating pag-ibayuhin ang ating pag-aalaga at pagtatrabaho—may kampanya o wala, may survey man o wala,” saad naman ni Senador Sonny Angara.