Tatlo sa bawat sampung empleyado ng gobyerno sa Metro Manila ang nakararanas ng “mental health problems”, ayon sa datos na nakalap ni Sen. Loren Legarda.

Nakalap ni Legarda na base sa survey na isinagawa­ ng Department of Health (DOH) sa 327 government employees sa Metro Manila, 32% ang natuklasang ­nakakaranas ng mental health problems.

Isa rin sa bawat 100 household ang may isang miyembro na may mental disability. Sa buong kapuluan, mayroon lang dalawang mental hospital, 46 outpatient facilities, four-day treatment facilities, 19 community-based psychiatric inpatient facilities at 15 community residential (custodial home-care) facilities.

Dahil dito, itinulak ni Legarda sa gobyerno, sa araw ng pagdiriwang ng World Mental Health Day kahapon, ang paglikha ng comprehensive national mental health policy upang makapagbigay ng sapat na tulong sa mga pasyente na may problema sa pag-iisip, lalo na ang ­mahihirap.

4 Responses