3 SAF member naaksidente sa trak

Tatlong miyembro ng Special Action Force (SAP) ng PNP ang pawang nasugatan nang sumalpok sa pader sa Taal, Batangas ang sinasakyan nilang 6×6 truck noong Miyerkules ng madaling-araw.

Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang nagmamanehong si Pat Kevin Tipon at ang dalawa nitong sakay na sina PSSg Norton Mariano, at PSSg Julius Caesar Guyao.

Batay sa report ng Taal police, tinatahak ng 6×6 ang national highway sa Barangay Halang dakong alas-2:50 ng madaling araw nang umararo ito sa hindi pantay na kalsada na nasira dahil sa pagsabog noon ng Bulkang Taal.

Nadiskaril sa pagmamaneho ang driver at sumalpok ang trak sa pader ng isang feed mills compound.

Agad isinugod ang tatlo sa Taal Polymedic Hospital para sa kaukulang lunas. (Ronilo Dagos)