Tatlong sasakyan ang natabunan nang gumuho ang bahagi ng bundok sa Paltingan, Ambiong, La Trinidad, Benguet, kahapon nang madaling-araw.

Ayon sa La Trinidad Police Station (LTPS), natabunan ng lupa ang paradahan ng isang residente at tatlong sasakyan nito ang naiulat na natabunan ng lupa at nasira.

Sinabi ng LTPS na naitawag na nila ang insidente pero wala pang dumarating na mga gamit para sa clearing operations.

Nagtulung-tulong muna ang mga residente para maghukay sa mga natabunang sasakyan.

Base sa report, natamaan din ng pagguho ng lupa ang bakod ng isa pang residente.

Dahil sa landslide, hindi na madaanan ang kalsada sa lugar.

Ayon sa LTPS, ang insidente ay sanhi ng tuloy-tuloy na ulan dulot ng monsoon rain sa nasabing lalawigan.

Wala namang naiulat na nasaktan.

(Allan Bergonia)