Magsasagawa ng torneo sa badminton, volleyball at football maliban sa 2 oras na walang tigil na saya­wan sa Zumba o zumbathon ang Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t Saya sa Parke PLAY ‘N LEARN for FREE bilang culminating activity nito para sa buong taon sa Burnham Green ng Luneta Park sa Manila.

Ipinaalam ni PSC area coordinator Julia “Dhole” Llanto ang pagsasagawa ng isang araw na torneo sa Disyembre 16 para sa 3 sports habang makakasabay nito na gaganapin ang pinakakaabangan kada magtatapos ang taon na diretsong 2 oras na walang humpay na zumbathon.

“Magkikita-kita ang mga manlalaro na madalas sumasali sa Laro’t-Saya na taga-San Juan, Quezon City at mga taga-Manila para sumabak sa isang araw na torneo natin. Siyempre, hindi din natin maiiwanan ang paborito nitong Zumba na inaabangan na nila kada taon,” sabi ni Llanto.