Sugatan ang tatlong katao matapos tamaan ng warning shot ng isang arson investigator nang tangkaing kuyugin ng ilang galit na residente sa sunog kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga biktimang sina Ezekiel Alvarado, 30, ng 2606 F. Juan Street; Laurence Andaya, 40, ng 740 Pampanga Street; at Leonardo Manuel, 45, ng 715 Bulacan Street, corner Juan Luna Street, pawang sa Tondo, na nagkaroon ng minor injuries sa katawan matapos tamaan ng ligaw na bala matapos na magpaputok ng warning shot ang suspek na si SFO2 Gilbert Cruz, 44, arson investigator ng Manila Fire Bureau.

Ayon kay P/Supt. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 12:35 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa Juan Luna Street sa Tondo kung saan isang dalawang palapag na apartment ang nasunog.

Sinabi ni Cruz, rumes­ponde siya sa lugar at kasalukuyang nag-iim­bestiga nang sa hindi pa batid na dahilan ay bigla siyang kuyugin ng mga galit na residente kaya napilitan siyang magpa­putok ng warning shot.