Sumailalim pala sa 14 na araw na mental training si Ellen Adarna sa Bali, Indonesia at ngayon ay graduate na siya. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram Story ang certification/diploma pati na ang ilang mga mahihirap na sessions na pinagdaanan niya.
Sa isang video ay makikitang nakabalot ng plastic ang buo niyang katawan na parte ng kanyang training.
“I was full force panicking coz I thought I couldn’t breathe and I had no way out but to get out of it. So to everyone asking, yes I’m in Bali doing my mental training,” ang paliwanag ni Ellen sa exercise na ginagawa.
May video rin na tumatalon siya ng nakatali ang dalawang paa at caption niya, “had to jump 5km for my sanity.”
Makikita nga sa iba pang video na nakarating na siya ng highway sa katatalon.
Sa isa namang photo ay makikitang naggugupit siya ng Bermuda grass gamit ang isang napakaliit na gunting.
“Had to cut Bermuda grass one by one and arrange them “harmoniously” 4 hours,” caption niya.
Makikita rin sa isa pang larawan na inihihilera niya sa coupon band ang mga stands ng damong nagupit niya.
Ipinost din niya ang komento ng isang netizen na “Wow! Didn’t u feel like you were going crazy?1?”
Sinagot naman ito ni Ellen ng “the point was to go crazy and to know you’re going crazy and its useless to go crazy so u meditate ahhaha.”
May inilagay rin na explanation si Ellen kung bakit siya sumailalim sa mental training. Aniya ito raw ay dahil na-stuck siya for 3 years sa isang black hole.
“To everyone asking, I did mental training coz I was stuck in this black hole for almost years. My anti-depressants didn’t do me any good, it made me immobile and numb.
“I was getting weaker mentally and emotionally – something had to be done.
“I can now finally say, after 3 years of struggling. . .I am no longer a prisoner in my own mind.
“Ahhhh!!! Freedom we meet again,” ang paliwanag ni Ellen.
Ayon pa kay Ellen, ang mentor daw niya ang kumuha ng mga photos and videos para makita ang progress niya.
“My mentor took videos and pics so I can see my progress and achievements and how I dealt with my demons. He documented some of the exercises so I can look back be reminded and say I did it.
“I was isolated for one week no phone no contact with the outside world. This is a one on one training. 14 days straight. 14 days vegetarian,” dagdag pang paliwanag ng dating sexy actress.
Sa iba pang post ni Ellen ay makikitang masayang-masaya siya that she feels better now at nagpasalamat pa sa taong nag-refer sa kanya para sa nasabing mind training. She also thanked her mentor at inirekomenda rin niya ito sa mga nais ding sumailalim sa training.
Pero kahit ipinaliwanag na ni Ellen kung ano mental training ay hindi pa rin namin talaga maintindihan kung bakit niya kinailangang gawin ito at kung ano ang ibig niyang sabihin na na-stuck siya for almost 3 yrs. sa isang black hole.
Ito ang mga panahong magkasama sila ni John Lloyd Cruz. So, ibig bang sabihin ay nasa kadiliman siya noong time na magkarelasyon sila ng aktor?