Inaresto ng pulisya ang tatlong tauhan ng tow truck company, kabilang ang isa na nasa listahan ng most wanted ng siyudad, sa loob ng impounding area ng Metropolitan Manila Development Authority sa Pasig City.
Nakilala ang mga suspek na sina Mario Ped, 46, top 9 wanted personality sa San Juan City; Roberto Berberio, 46; at Michaeal Tambo-Ong, 37.
Sa ulat ng pulisya, modus operandi ng tatlo ang mangikil sa kanilang mabibiktima. Tatakutin umano ng tatlo ang bibiktimahing sasakyan at dadalhin sa malayong towing area sa Pasig City.
Matapos ang ilang buwang surveillance dinakip ng mga awtoridad ang mga ito alas-3:30 ng Biyernes ng hapon dala ang warrant of arrest para sa kasong robbery.
Matatandaang na sangkot ang tatlo sa extortion na naganap noong Nobyembre 3, 2017 sa San Juan City na kung saan ay nakakuha sila ng P1,500 mula sa complainant na si Rafael Gandionco nang i-tow at i-impound ang kanyang motorsiklo.
Nagpakilala umano ang mga suspek na towing officer ng Fighter Towing Company at kukunin ang motorsiko ng biktima kapag hindi magbabayad kapalit ng towing violation nito.