Dinakip ng mga awtoridad ang tatlong kalalakihan matapos ang mga itong magpuslit ng alak sa kabila ng ipinatutupad na liquor ban sa Maynila.

Sa nakalap na report ng pulisya, nabuking ang tatlo na nagbitbit ng alak sa Maynila matapos manggaling sa Makati City.

Di na nakapalag ang mga ito nang damputin sa entrapment operation sa Lacson corner Florentino Flores Street sa Sampaloc habang sakay ng kanilang sasakyan.

Nabawi sa mga ito ang 25 kahon ng alak na sinasabing ibinebenta ng mga suspek sa Maynila sa mas mataas na halaga.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang tatlo.