Tatlong drug personality ang magkakasunod na bumulagta sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation kahapon nang mada­ling-araw.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Colonel Leon Victor Rosete, Nueva Ecija police director, nakilala ang nasawi na sina Ronald De Guzman Gaudia; Jimboy Francisco Constantino, 26, at si Benjo Malanan.

Nabatid na dakong alas-tres ng madaling-araw nang ikasa nina Police Lt. Colonel Ponciano Zafra ang operasyon na may PDEA coordination number 10004-052019-0644 laban kina Gaudia at Malanan sa Purok Amihan, Brgy. Barrera, Cabanatuan City.

Narekober mula sa dalawang napatay ang isang caliber .45 pistol, isang caliber .22 revolver, Php500 buy-bust marked money at 13 sachet ng shabu.
Alas-3:15 naman ng madaling-araw nang makaenkuwentro nina Police Major Rico Cayabyab si Constantino sa Brgy. San Fernando Sur, Cabiao Nueva Ecija at nakunan ng shabu at isang revolver. (Jojo De Guzman)