Nasawi ang isang babaeng pamangkin umano ng isang solon sa Laguna habang sugatan ang isa pa at driver nang sinasak­yan nilang Grab Taxi matapos maipit sa karambola ng tatlong mga truck sa Nagtahan Bridge sa Sta. Mesa, Maynila kahapon.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nakilala ang nasawing si Ivory Abaya Y Agarao, 25, casino surveillance ng 3375 Unit 4/F Ibarra, Brgy. Palanan Makati City at pamangkin umano ni Laguna Rep. Benjamin Agarao habang ang isa pang pasaherong sugatan ay nakilalang si Karen Graneta, 25, company nurse at online casino dealer ng Sampaloc, Maynila at ang driver ng Grab taxi ay si Antonio Maraaya. 44, ng LLano Road ,Caloocan City.

Alas-3:40 nang mada­ling-araw nang maipit ang tatlo sa karambola ng mga trak na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga biktima at pagkasugat ng dalawa pa.