Tatlong hinihinalang drug pusher na nagkaonsehan sa transaksyon sa droga ang pawang napaslang makaraang itumba muna ng dalawang lalaking nakasakay sa traysikel ang isa nilang kasama, bago sila napaslang ng Pulilan-PNP nang hindi huminto sa police checkpoint sa Brgy. Longos, Pulilan, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Base sa impormasyong nakalap sa tanggapan ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) – Malolos City, wala pang nakikilala sa tatlong napaslang na suspek na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang katawan at narekober sa kanilang pag-iingat ang isang traysikel, dalawang maigsing baril at ilang pakete ng shabu.

Base sa inisyal na ulat, sinasabing itinumba muna ng dalawang napaslang na suspek ang kanilang target sa madilim na bahagi ng Brgy. Longos, Puli­lan matapos umanong mag-away sa onsehan sa transaksyon sa droga at saka tumakas lulan ng traysikel.

Tiyempong nagsasagawa ng police checkpoint ang Pulilan PNP at sa halip na huminto sa police checkpoint ay nanlaban umano ang mga ito na na­ging dahilan ng pagkamatay ng dalawa pang suspek.