Bagama’t inaasahan na ang pag-upo ni Davao del Norte Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez bilang Speaker ngayong 17th Congress, dalawang kongresista ang nagpahaya­g ng interes na lumaban sa pinakamataas na posis­yon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Makakalaban umano ni Alvarez sa botohan sina Quezon Rep. Danilo Suarez at Ifugao Rep, Teddy Brawner Baguilat.

“I will run for Spea­kership of the House of Representatives. We won’t win. We won’t even make it in minority floor but (we are) doing what is right,” pahayag ni Baguilat na lumutang kagabi na pangatlong kandidato sa Speakership.

Miyembro ng Libe­ral Party (LP) si Baguilat pero hindi ito sumama sa grupo ni Quezon City Rep. Feliciano Belmonte na lumagda na sa isang kasunduan para sumama sa super majority ni Alvarez sa Kamara.