Muling binuhay sa Kamara ang panukalang gawing 36 buwan o tatlong taon ang tour of duty ng chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa hangarin na ring matiyak na maipatutupad ang mga programa at proyekto nang walang abala, na ‘di malabong mangyari kung papalit-palit ang liderato ng militar.
Pinuna ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na kapansin pansin na sa kadalasang mabilis na turnover ng AFP chief of staff ay nagiging counterproductive na lang ang AFP.
“Over the last 30 years, the AFP has had 28 chiefs of staff who each served an average of only 12 months.
In the case of our last 10 chiefs of staff, each actually served only an average of seven months,” paliwanag ni Pimentel kung saan inihalimbawa nito sa Estados Unidos na ang mga chief of staff ay may fixed term na dalawang taon.