Mahigit 30 ang opisyal na delegado ng bansa sa idaraos na ASEAN summit sa susunod na linggo sa Laos.

Ilang miyembro ng delegasyon sa ASEAN ang nauna nang bumiyahe upang dumalo sa mga preparatory meetings.

Ang Philippine delegation sa ASEAN Summit ay pangungunahan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr., Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez at Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.

Nabigo namang tukuyin ni DFA Assistant Secretary  Ma. Hellen De La Vega na humarap sa pre-departure media briefing sa Palasyo ng Malakanyang kahapon kung magkano ang gagastusin sa summit.

“I’m sorry. I’m not the one in charge of that. All your questions related to ASEAN, I can answer, on the substantive aspects,” pahayag ni De La Vega.

Kinumpirma rin ni De La Vega na nakatakda ang bila­teral talks ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng siyam na bansa kung saan kabilang sina United States (US) Pre­sident Barack Obama at Russian President Vladimir Putin.

“Maybe around nine. Subject to availability of schedule,” pahayag ng DFA official patungkol sa mga lider na inaayos ang bilateral talks sa pagitan ni Pangulong Duterte.