Humigit kumulang sa 30 katao ang dinampot ng magkakasanib na puwersa ng Cavite Provincial Intelligence Branch, Cavite Criminal Investigation and Detection Group, Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at General Trias Component Police Station, sa Tropical Village, Pabahay 2000, Barangay San Francisco, Gen Trias, Cavite City.
Dakong alas-tres ng madaling araw kahapon nang magtungo ang mga operatiba sa lugar, agad na kinurdon ang mga target area at inihain ang search warrant para sa droga at baril laban sa mga listed suspects.
Sa kabuuan, nasamsam sa operasyon ang ilang pakete ng hinihinalang droga, drug paraphernalia, iba’t ibang uri ng baril, bala, improvised homemade shotgun at ilang uri ng pampasabog.
Ilan sa mga sinaliksik na bahay ay nagsisilbi pang drug den at prutas lang daw ang pinakabayad ng mga nagnanais pumuwesto at bumatak ng ilegal na droga
Kasalukuyan ng isinasaayos ang mga kasong isasampa laban sa mga naarestong suspek.