30 marshall tinalaga sa MRT

May 30 uniformed security personnel o train marshall ang itinalaga ng Metro Rail Transit (MRT) 3 sa loob ng mga tren para sa seguridad ng mga pasahero.

Ayon sa pamunuan ng MRT 3, nakapuwesto ang mga train marshall mula sa una hanggang huling biyahe ng mga tren, mula North Avenue hanggang Taft Ave­nue at pabalik.

Bukod sa pagpapanatili ng kaayusan, pinaalalahanan din ng mga marshall ang publiko ukol sa mga alituntunin sa tren, sa mga priority area kung saan puwedeng umupo ang mga buntis o senior citizen at iba pang panga­ngailangan ng mga pasahero.

Ayon kay Mike Capati, director for operations ng MRT 3, permanante na ang pagkakaroon ng mga marshall sa tren. (Dolly Cabreza)