30 staff ng isang barangay, positive sa rapid test

Nagpositibo sa COVID-19 rapid testing ang 30 staff ng isang barangay hall sa Quezon City.

Simula kahapon, June 5, 2020 ay suspendido ang operasyon ng Barangay Hall sa Barangay South Triangle.

Tatagal ang suspensyon sa loob ng tatlong araw.

Sa abiso ng barangay, sinabi nitong hindi pa naman ibig sabihing dinapuan na ng COVID-19 ang mga nagpositibo sa rapid test.

Ang mga empleyado na nagpositibo sa rapid test ay agad isinailalim sa quarantine at kukuhanan ng confirmatory swab tests gamit ang RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) tests. (Riz Dominguez)