Ibinalik ng Northern Police District (NPD) sa kani-kanilang istasyon ang 300 pulis mula sa Malabon-Navotas at Valenzuela Police Station, matapos italaga sa Caloocan PNP, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Base sa memorandum order ng NPD, muling aalisin ang 300 pulis na nasa Caloocan PNP, para ibalik sa pinanggalingan nilang istasyon.
Sa Oktubre 2, 2017, aalis na sa Caloocan City Police Station ang 300 pulis para muling mag-report sa Malabon-Navotas at Valenzuela PNP.
Mahigit 1,000 pulis mula sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang itatalaga sa Caloocan Police Station, para sa maayos na operasyon nito.
Nagpahayag naman ng kagalakan ang may 100 pulis sa Valenzuela na nalipat sa Caloocan PNP, lalo pa’t muli silang magbabalik sa dati nilang istasyon.