Ipinagmalaki kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director General Oscar Albayalde na naging mapayapa ang ika-30thAssociation of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex Pasay City kahapon.
Sa press briefing ng ASEAN Security Task Force, sinabi ni Albayalde na wala silang na-encounter na anumang untoward incident habang ginaganap sa bansa ang ASEAN Summit simula pa noong Lunes.
Gayunman, hindi umano sila nagpapakasiguro dahil mananatiling mahigpit ang seguridad hanggang sa matapos lahat ng aktibidad ng ASEAN.
Dahil karamaihan pa umano sa mga lider ng iba’t ibang bansa ay nanatili pa sa Pilipinas kaya’t todo bantay pa rin ang mga awtoridad.