LONDON (AP) — Apatnapu’t lima pang atleta, kabilang ang 31 medalists, ang nag-positibo sa doping matapos ang retesting ng samples mula sa huling dalawang Summer Olympics, ayon sa International Olympic Committee (IOC) nitong Biyernes.
Umabot na sa 98 ang bilang ng atletang lumapag sa tests sa reanalysis ng nakatagong samples mula 2008 Beijing Olympics at 2012 London Games.
Natukoy sa pinakahuling retests ang 30 “provisional” positive findings mula Beijing at 15 confirmed positives mula London.
Ayon sa IOC, 23 medalists mula Beijing at eight medal winners ng London ang kabilang sa mga nabuko. Walang pangalan na ibinigay ang IOC.
Itinatago ng IOC ang doping samples sa loob ng 10 taon para ma-retest kapag may bagong methods na.
Nitong Biyernes, binawi ng IOC ang silver medal sa Beijing Games ni Turkish woman weightlifter Sibel Ozkan matapos mag-positibo sa steroids ang kanyang urine sample.
Ipinabalik kay Ozkan, 28, ang kanyang medalya sa 48-kilogram class.
Noong isang linggo, hinubad din kay Ukranian weightlifter Yulia Kalina ang bronze medal mula London Olympics nang mag-positibo sa steroid ang kanyang sample.
Ha..ha..kaya malalakas sila!!