31,700 OFWs napauwi na sa `Pinas

Umabot na sa kabuuang 31,700 bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng COVID – 19 pandemic ang natulungan ng Overseas Workers Administration (OWWA) aT napauwi sa kani-kanilang mga probinsiya noong June 5, 2020.

Sa ulat ni OWWA Hans Leo Cacdac, mula Mayo 25 hanggang 31, nasa 25,002 na ang napauwi, at mula Hunyo 1 hanggang 5 ay 6,700 na rin ang nakauwi.

Sinabi rin ni Cacdac na karamihan sa mga naapektuhang OFW na napauwi ay mga marino mula sa mga cruise ship, na nasa 25,000. Samantala, ang mga apektadong land-based na mga OFW ay 18,000.

Tiniyak ni Cacdac na ang mga OFW na nawalan ng trabaho, lalo na ang mga marino, ay muling tatanggapin kapag tapos na ang pandemya.

Inihayag din ni Cacdac na simula sa susunod na linggo, tatanggap sila ng mga aplikasyon para sa inilaang P2 bilyon para sa 2nd round ng socio-economic stimulus sa mga miyembro ng OWWA. (Mina Aquino)