31st Kadayawan sa Davao simula na

Sinimulan na kahapon ang pagdiriwang ng 31st Kadayawan Festival sa Durian Dome ng People’s Park sa Davao City.

Ang Davao City ang nag-iisang siyudad sa buong bansa na ginugunita at ipinagdiriwang ang pinagmulan ng labing-isang tribu nito.

Binuksan na sa publiko alas-dos ng hapon ang photo exhibit na sumasalamin sa iba’t ibang pamumuhay, kultura, tradisyon at mga sakripisyong tulung-tulong na ginawa para sa kapaka­nan ng Davao City.

Makikita din sa naturang photo exhi­bit ang mga nakikipagbaka  ng  mga Luma at Muslim na siyang tinaguriang ‘Heart and Soul of Kadayawan Festival’.

Idineklara na rin na special non-working holi­day sa Agosto 19 at 20 para sa pagdiriwang na isasagawa ng buong Davao.

Inaasahang dadagsa pa ang maraming tu­rista sa Davao sa linggong   ito.