Bunsod ng kontrobersiya at talamak na kalakalan ng ilegal na droga ay tuluyan nang sinibak sa puwesto ang 32 jail guards ng Iloilo District Jail sa Barangay Nanga, Pototan, Iloilo.
Ayon kay Jail Supt. Gilbert Piremne, assistant regional director ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Region 6, ang pagsibak ay may kinalaman sa kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng kulungan.
Bukod sa mga jail guards, inirekomenda na rin ng BJMP-Region 6 sa Department of Interior and Local Government ang pagsibak sa jail warden na si Jail Sr. Insp. Abner Zamora.
Sinabi ni Piremne na seryoso ang mga alegasyon laban sa Iloilo District Jail kahit hindi pa napatutunayan.
SINIBAK LANG….SANA ITUMBA NA DIN……HAHAHAHAH