32 team kompleto na, groupings sa Marso 16

32 team kompleto na, groupings sa Marso 16

Lunes ay nagsara na ang sixth at final window ng Qualifiers, kompleto na ang 32 teams na bibiyaheng China para maki­pagbuno sa 18th FIBA Basketball World Cup 2019 sa Aug. 31-Sept. 15.

Natapos na ang 15 buwan ng Road to China qualifying campaign na nagsimula noong Nov. 2017.

Bilang hosts, sigurado ng isang puwesto ang Chinese squad.

Mula sa Africa, pasok ang Angola, Cote d’Ivoire, Nigeria, Senegal, Tunisia. Kinatawan ng Americas ang Argentina, Brazil, Canada, Dominican Republic, Puerto Rico, USA at Venezuela.

Pito rin ang kinatawan ng Asia: Australia, Iran, Japan, Jordan, Korea, New Zealand at Pilipinas.

Pinakamarami (12) ang mula Europe: Czech Republic, France, Germany, Greece, Italy, Lithuania, Montenegro, Poland, Russia, Serbia, Spain, Turkey.

“These Qualifiers – the first of their kind for the FIBA Basketball World Cup – have made it possible for 80 national teams all over the world to regularly play official games in front of their fans for the right to compete on the biggest stage,” ani FIBA secretary-general Andreas Zagklis.

Susunod na event ang grouping ng 32 teams, magkakaalaman kung sino ang una nilang makakatapat sa elimination phase.