Umulan o bumagyo, asahan ang libo-libong sabungerong makikisaya sa pagdiriwang ng “33rd Anniversary 4-Cock” ng Pasay City Cockpit ngayong Biyernes, July 5.

May 100 sultadang nakalinya sa bakbakan sa kampeonato na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Kalahok ang mga piling miyembro ng National Cockers Alliance (NCA), Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), Rizal Gamefowl Breeders Association (RGBA), Laguna Gamefowl Breeders Association (Lagba) at Pitmasters group.
“The winners stand to receive P500,000 or more plus trophy,” hayag nitong Huwebes ni PCC pit manager Gerald Go.

Sa susunod na Biyernes, July 12, naman ang siyapol ng “Luzon Breeders Cup 9-Stag Derby” kung saan 140 sultada ang sigurado sa 2-cock elims.

Ayon naman kay LGBA president Nick Crisosto, aabot din sa tig-100 sultada ang nakatakda sa July 19 at 22 elims.

Sa iba pang mga detalye, kontakin lang ang sinuman kina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939-4724206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)