Umabot sa 34 pirasong mga vintage bomb ang nadiskubre sa isang bakuran habang naghuhukay ng cassava sa Tagaytay City, Cavite.

Sa ulat ni PCpl. Archie Paclibar ng Tagyatay City Police Station, dakong alas-10:00 Linggo ng umaga nang nakatanggap sila ng tawag hinggil sa nahukay na mga granada sa isang bakuran sa Street Side Hotel, Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City na pagmamay-ari ni Bernabe Ventillo, 74.

Nauna rito, inutusan Venteillo ang isa sa kanilang mga helper na maghukay ng cassava sa likod ng kanilang bakuran nang nadiskubre ang 32 pirasong 60mm mortor (Bruto); 1 pirasong MK2 Hand Grenade at 1 pirasong 75mm high vintage bomb.

Ang nasabing mga vintage grenade ay nasa pangangalaga ng Explosive and Ordance Division ng Tagaytay CPS. (Gene Adsuara)