344 OFW sumailalim sa mandatory 14-day quarantine

Nasa 344 overseas Filipino worker ang naka- mandatory 14-day quarantine sa mga itinalagang quarantine ship sa Maynila.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ilan sa mga overseas Filipino ay land-based at sea-based worker mula South Korea, Indonesia, Qatar, United States, Taiwan, United Arab Emirates, Brunei at ilang European country.

Sa unang quarantine ship, mayroong na-accommodate na 274 na OFW; 146 ang lalaki habang 128 ang mga babae.

Sa ikalawang quarantine ship, 70 katao ang nagkasya kung saan 46 ang lalaki at 24 ang babae.

Tiniyak ng pamahalaan na mananatiling ligtas at malusog ang mga overseas Filipino habang naka-quarantine.

Katuwang din ang 2GO company para mapanatiling malinis at sapat ang suplay ng pagkain sa quarantine ships.

Nakadaong ang quarantine ships sa Pier 15 sa Port Area, Manila. (Mina Aquino)