Panunumpain ngayon ng Supreme Court (SC) ang may 3,747 bagong abogado sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

Nabatid kay SC Associate Justice Presbitero J. Velasco Jr. na ginawa ang oath-taking sa MOA Arena dahil sa malaking bilang ng mga nakapasa sa natapos na 2016 bar exam.

Gaganapin ang seremonya sa special SC en banc session dakong alas-tres ng hapon kung saan ay inoobliga ang mga nakapasa na magsuot ng robe sa kanilang panunumpa.

Magsisimula ng alas-11:00 ng umaga ang registration.

Inaasahang nakaupo na sa mga itinalagang upuan para sa mga nakapasa, alas-dos ng hapon at hindi na rin papayagan na makapasok sa Arena ang mga darating ng late.