38 katao nagkaka-HIV kada araw

By Juliet de Loza-Cudia

Nasa 38 katao ang nagpo positibo sa Human Immuno Disease-Aqcuired Immune Disease (HIV-AIDS) kada araw.

Ayon kay Health Spokesman Undersecretary Eric Domingo, nakalabahala umano ito dahil pabata nang pabata ang nagkakaroon ng HIV Aids.

Noong 2018, naitala ang 32 HIV positive kada araw.

Nanatili na numerong sanhi ng HIV-AIDS ang pakikipagtalik sa mga taong kontaminado ng HIV-AIDS.

Nalaman sa DOH halos dumoble ang bilang ng mga taong may AIDS sa nakalipas na isang dekada.

Kasabay nito, hinikayat ng health department na kaagad magpakonsulta kapag kinakitaan ng sintomas dahil libre naman ang gamutan ng AIDS.

Samantala, dapat umano na palakasin pa ang awareness campaign laban sa AIDS sa tahanan at sa paaralan.