Nasa 766 na healthcare worker ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes.
Sa nasabing bilang, 399 ay doktor habang 242 naman ang mga nurse, base kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Bukod pa dito, 22 sa mga health frontliner ang nasawi sa nasabing virus.
Sa ngayon, 5,878 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 487 ang nakarekober habang 387 ang nasawi. (Ray Mark Patriarca)